بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ ﴿١﴾
1:1 Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ ﴿٢﴾
1:2 Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,
ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ ﴿٣﴾
1:3 ang Napakamaawain, ang Maawain,
مَـٰلِكِ يَوْمِ ٱلدِّينِ ﴿٤﴾
1:4 Ang May-ari ng Araw ng Paggantimpala.
إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ ﴿٥﴾
1:5 Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
ٱهْدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلْمُسْتَقِيمَ ﴿٦﴾
1:6 Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ ٱلْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ ﴿٧﴾
1:7 ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.