بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ
إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتْ ﴿١﴾
84:1 Kapag ang langit ay nabiyak
وَأَذِنَتْ لِرَبِّهَا وَحُقَّتْ ﴿٢﴾
84:2 at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,
وَإِذَا ٱلْأَرْضُ مُدَّتْ ﴿٣﴾
84:3 kapag ang lupa ay binanat,
وَأَلْقَتْ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتْ ﴿٤﴾
84:4 at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatatwa ito,
وَأَذِنَتْ لِرَبِّهَا وَحُقَّتْ ﴿٥﴾
84:5 at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْإِنسَـٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدْحًا فَمُلَـٰقِيهِ ﴿٦﴾
84:6 O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] sa Kanya.
فَأَمَّا مَنْ أُوتِىَ كِتَـٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ ﴿٧﴾
84:7 Kaya tungkol sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,
فَسَوْفَ يُحَاسَبُ حِسَابًا يَسِيرًا ﴿٨﴾
84:8 tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهْلِهِۦ مَسْرُورًا ﴿٩﴾
84:9 at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
وَأَمَّا مَنْ أُوتِىَ كِتَـٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهْرِهِۦ ﴿١٠﴾
84:10 Tungkol naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,
فَسَوْفَ يَدْعُوا۟ ثُبُورًا ﴿١١﴾
84:11 mananawagan siya ng pagkagupo
وَيَصْلَىٰ سَعِيرًا ﴿١٢﴾
84:12 at masusunog siya sa isang liyab.
إِنَّهُۥ كَانَ فِىٓ أَهْلِهِۦ مَسْرُورًا ﴿١٣﴾
84:13 Tunay na siya dati sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ ﴿١٤﴾
84:14 Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].
بَلَىٰٓ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرًا ﴿١٥﴾
84:15 Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.
فَلَآ أُقْسِمُ بِٱلشَّفَقِ ﴿١٦﴾
84:16 Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,
وَٱلَّيْلِ وَمَا وَسَقَ ﴿١٧﴾
84:17 at sa gabi at sa iniipon nito,
وَٱلْقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ ﴿١٨﴾
84:18 at sa buwan kapag namilog ito;
لَتَرْكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٍ ﴿١٩﴾
84:19 talagang lululan nga kayo sa isang antas matapos ng isang antas.
فَمَا لَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ ﴿٢٠﴾
84:20 Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيْهِمُ ٱلْقُرْءَانُ لَا يَسْجُدُونَ ۩ ﴿٢١﴾
84:21 Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ يُكَذِّبُونَ ﴿٢٢﴾
84:22 Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.
وَٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يُوعُونَ ﴿٢٣﴾
84:23 Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila.
فَبَشِّرْهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ ﴿٢٤﴾
84:24 Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ لَهُمْ أَجْرٌ غَيْرُ مَمْنُونٍۭ ﴿٢٥﴾
84:25 maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.