QuranQuiz bySALSABIL STUDIO
Open the appOpen app

سورة النازعات

Surah An-Nazi'at sa Tagalog

46 talata · Surah 79 sa 114

🌐 Translation: Tagalog

Englishالعربية (بلا ترجمة)اردوBahasa IndonesiaBahasa MelayuTürkçeFrançaisDeutschEspañolPortuguêsItalianoNederlandsРусскийفارسیবাংলাहिन्दीSoomaaliKiswahiliHausaShqipBosanskiAzərbaycancaOʻzbekcha中文日本語한국어ภาษาไทยTiếng ViệtTagalogپښتوPolskiSvenskaNorskSuomiČeštinaRomânăБългарскиУкраїнськаעבריתதமிழ்മലയാളംతెలుగుमराठीગુજરાતીनेपालीසිංහලঅসমীয়াسنڌيدریKurdîދިވެހިئۇيغۇرچەአማርኛAfaan OromooYorùbáKinyarwandaBamanankanChiyaoTamaziɣtMëranawТоҷикӣҚазақшаТатарчаភាសាខ្មែរEnglish (Abdel Haleem)

Salin: Dar Al-Salam Center

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلنَّـٰزِعَـٰتِ غَرْقًا ﴿١﴾

79:1 Sumpa man sa mga [anghel na] nag-aalis [ng kaluluwa] sa isang paghatak,

وَٱلنَّـٰشِطَـٰتِ نَشْطًا ﴿٢﴾

79:2 sumpa man sa mga [anghel na] humahablot sa isang paghunos,

وَٱلسَّـٰبِحَـٰتِ سَبْحًا ﴿٣﴾

79:3 sumpa man sa mga [anghel na] lumalangoy sa isang paglangoy [na pababa-pataas],

فَٱلسَّـٰبِقَـٰتِ سَبْقًا ﴿٤﴾

79:4 saka sa mga [anghel na] nag-uunahan sa isang pag-uunahan [sa pagtalima],

فَٱلْمُدَبِّرَٰتِ أَمْرًا ﴿٥﴾

79:5 saka sa mga [anghel na] nagpapatupad sa isang utos,

يَوْمَ تَرْجُفُ ٱلرَّاجِفَةُ ﴿٦﴾

79:6 sa araw na yayanig ang tagayanig,

تَتْبَعُهَا ٱلرَّادِفَةُ ﴿٧﴾

79:7 habang sumusunod dito ang kasunod.

قُلُوبٌ يَوْمَئِذٍ وَاجِفَةٌ ﴿٨﴾

79:8 May mga puso sa araw na iyon na kakabug-kabog.

أَبْصَـٰرُهَا خَـٰشِعَةٌ ﴿٩﴾

79:9 Ang mga paningin ng mga ito ay nagpapakumbaba.

يَقُولُونَ أَءِنَّا لَمَرْدُودُونَ فِى ٱلْحَافِرَةِ ﴿١٠﴾

79:10 Nagsasabi sila: "Tunay bang kami ay talagang mga pababalikin sa dating kalagayan?

أَءِذَا كُنَّا عِظَـٰمًا نَّخِرَةً ﴿١١﴾

79:11 Kapag ba kami ay naging mga butong nabukbok?"

قَالُوا۟ تِلْكَ إِذًا كَرَّةٌ خَاسِرَةٌ ﴿١٢﴾

79:12 Magsasabi sila: "Iyon samakatuwid ay isang pagbalik na lugi."

فَإِنَّمَا هِىَ زَجْرَةٌ وَٰحِدَةٌ ﴿١٣﴾

79:13 Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang,

فَإِذَا هُم بِٱلسَّاهِرَةِ ﴿١٤﴾

79:14 saka biglang sila ay nasa balat ng lupa.

هَلْ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ ﴿١٥﴾

79:15 Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises?

إِذْ نَادَىٰهُ رَبُّهُۥ بِٱلْوَادِ ٱلْمُقَدَّسِ طُوًى ﴿١٦﴾

79:16 Noong nanawagan sa kanya ang Panginoon niya sa pinabanal na lambak ng Ṭuwā:

ٱذْهَبْ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ﴿١٧﴾

79:17 "Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.

فَقُلْ هَل لَّكَ إِلَىٰٓ أَن تَزَكَّىٰ ﴿١٨﴾

79:18 Saka magsabi ka: ‘Ibig mo kaya na magpakalinis ka

وَأَهْدِيَكَ إِلَىٰ رَبِّكَ فَتَخْشَىٰ ﴿١٩﴾

79:19 at magpatnubay ako sa iyo tungo sa Panginoon mo para matakot ka [sa Kanya]?"

فَأَرَىٰهُ ٱلْـَٔايَةَ ٱلْكُبْرَىٰ ﴿٢٠﴾

79:20 Kaya nagpakita siya rito ng tandang pinakamalaki,

فَكَذَّبَ وَعَصَىٰ ﴿٢١﴾

79:21 ngunit nagpasinungaling ito at sumuway ito.

ثُمَّ أَدْبَرَ يَسْعَىٰ ﴿٢٢﴾

79:22 Pagkatapos tumalikod ito na nagpupunyagi [laban kay Moises].

فَحَشَرَ فَنَادَىٰ ﴿٢٣﴾

79:23 Kaya kumalap ito [ng mga kawal] saka nanawagan

فَقَالَ أَنَا۠ رَبُّكُمُ ٱلْأَعْلَىٰ ﴿٢٤﴾

79:24 saka nagsabi: "Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas."

فَأَخَذَهُ ٱللَّهُ نَكَالَ ٱلْـَٔاخِرَةِ وَٱلْأُولَىٰٓ ﴿٢٥﴾

79:25 Kaya nagpataw rito si Allāh ng parusang panghalimbawa sa Kabilang-buhay at Unang-buhay.

إِنَّ فِى ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِّمَن يَخْشَىٰٓ ﴿٢٦﴾

79:26 Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa sinumang natatakot [kay Allāh].

ءَأَنتُمْ أَشَدُّ خَلْقًا أَمِ ٱلسَّمَآءُ ۚ بَنَىٰهَا ﴿٢٧﴾

79:27 Kayo ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang langit, na ipinatayo Niya?

رَفَعَ سَمْكَهَا فَسَوَّىٰهَا ﴿٢٨﴾

79:28 Nag-angat Siya ng tuktok nito at humubog Siya nito.

وَأَغْطَشَ لَيْلَهَا وَأَخْرَجَ ضُحَىٰهَا ﴿٢٩﴾

79:29 Nagpakulimlim Siya ng gabi nito at nagpalabas Siya ng kaliwanagan nito.

وَٱلْأَرْضَ بَعْدَ ذَٰلِكَ دَحَىٰهَآ ﴿٣٠﴾

79:30 Sa lupa, matapos niyon, ay naglagak Siya nito.

أَخْرَجَ مِنْهَا مَآءَهَا وَمَرْعَىٰهَا ﴿٣١﴾

79:31 Nagpalabas Siya mula rito ng tubig nito at pastulan nito.

وَٱلْجِبَالَ أَرْسَىٰهَا ﴿٣٢﴾

79:32 Sa mga bundok ay nag-angkla,

مَتَـٰعًا لَّكُمْ وَلِأَنْعَـٰمِكُمْ ﴿٣٣﴾

79:33 bilang tinatamasa para sa inyo at para sa mga hayupan ninyo.

فَإِذَا جَآءَتِ ٱلطَّآمَّةُ ٱلْكُبْرَىٰ ﴿٣٤﴾

79:34 Ngunit kapag dumating ang Tagapag-umapaw na Pinakamalaki –

يَوْمَ يَتَذَكَّرُ ٱلْإِنسَـٰنُ مَا سَعَىٰ ﴿٣٥﴾

79:35 sa Araw na magsasaalaala ang tao sa pinagpunyagian niya

وَبُرِّزَتِ ٱلْجَحِيمُ لِمَن يَرَىٰ ﴿٣٦﴾

79:36 at itatanghal ang Impiyerno para sa sinumang makakikita –

فَأَمَّا مَن طَغَىٰ ﴿٣٧﴾

79:37 hinggil sa sinumang nagmalabis

وَءَاثَرَ ٱلْحَيَوٰةَ ٱلدُّنْيَا ﴿٣٨﴾

79:38 at nagtangi sa buhay na pangmundo,

فَإِنَّ ٱلْجَحِيمَ هِىَ ٱلْمَأْوَىٰ ﴿٣٩﴾

79:39 tunay na ang Impiyerno ay ang kanlungan;

وَأَمَّا مَنْ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ وَنَهَى ٱلنَّفْسَ عَنِ ٱلْهَوَىٰ ﴿٤٠﴾

79:40 at ang sinumang nangamba sa pagtayo sa [harap ng] Panginoon niya at sumaway sa sarili laban sa pithaya,

فَإِنَّ ٱلْجَنَّةَ هِىَ ٱلْمَأْوَىٰ ﴿٤١﴾

79:41 tunay na ang Paraiso ay ang kanlungan.

يَسْـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَىٰهَا ﴿٤٢﴾

79:42 Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali kung kailan ang pagdaong niyon?

فِيمَ أَنتَ مِن ذِكْرَىٰهَآ ﴿٤٣﴾

79:43 Nasa ano ka para bumanggit niyon?

إِلَىٰ رَبِّكَ مُنتَهَىٰهَآ ﴿٤٤﴾

79:44 Tungo sa Panginoon mo ang pagwawakasan niyon.

إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرُ مَن يَخْشَىٰهَا ﴿٤٥﴾

79:45 Ikaw ay isang tagapagbabala lamang ng sinumang natatakot doon.

كَأَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَهَا لَمْ يَلْبَثُوٓا۟ إِلَّا عَشِيَّةً أَوْ ضُحَىٰهَا ﴿٤٦﴾

79:46 Para bang sila, sa Araw na makikita nila iyon, ay hindi namalagi maliban sa isang hapon o isang umaga nito.

Subukan ang sarili

Subukan ang sarili →

Hear Surah An-Nazi'at from all 90 reciters →