بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ
أَلْهَىٰكُمُ ٱلتَّكَاثُرُ ﴿١﴾
102:1 Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan
حَتَّىٰ زُرْتُمُ ٱلْمَقَابِرَ ﴿٢﴾
102:2 hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.
كَلَّا سَوْفَ تَعْلَمُونَ ﴿٣﴾
102:3 Aba’y hindi! Malalaman ninyo.
ثُمَّ كَلَّا سَوْفَ تَعْلَمُونَ ﴿٤﴾
102:4 Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo.
كَلَّا لَوْ تَعْلَمُونَ عِلْمَ ٱلْيَقِينِ ﴿٥﴾
102:5 Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,
لَتَرَوُنَّ ٱلْجَحِيمَ ﴿٦﴾
102:6 talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.
ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيْنَ ٱلْيَقِينِ ﴿٧﴾
102:7 Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.
ثُمَّ لَتُسْـَٔلُنَّ يَوْمَئِذٍ عَنِ ٱلنَّعِيمِ ﴿٨﴾
102:8 Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan.