QuranQuiz bySALSABIL STUDIO
Open the appOpen app

سورة المرسلات

Surah Al-Mursalat sa Tagalog

50 talata · Surah 77 sa 114

🌐 Translation: Tagalog

Englishالعربية (بلا ترجمة)اردوBahasa IndonesiaBahasa MelayuTürkçeFrançaisDeutschEspañolPortuguêsItalianoNederlandsРусскийفارسیবাংলাहिन्दीSoomaaliKiswahiliHausaShqipBosanskiAzərbaycancaOʻzbekcha中文日本語한국어ภาษาไทยTiếng ViệtTagalogپښتوPolskiSvenskaNorskSuomiČeštinaRomânăБългарскиУкраїнськаעבריתதமிழ்മലയാളംతెలుగుमराठीગુજરાતીनेपालीසිංහලঅসমীয়াسنڌيدریKurdîދިވެހިئۇيغۇرچەአማርኛAfaan OromooYorùbáKinyarwandaBamanankanChiyaoTamaziɣtMëranawТоҷикӣҚазақшаТатарчаភាសាខ្មែរEnglish (Abdel Haleem)

Salin: Dar Al-Salam Center

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ

وَٱلْمُرْسَلَـٰتِ عُرْفًا ﴿١﴾

77:1 Sumpa man sa mga [hanging] isinusugo nang sunud-sunod,

فَٱلْعَـٰصِفَـٰتِ عَصْفًا ﴿٢﴾

77:2 saka sa mga [hanging] bumubugso sa isang pagbugso;

وَٱلنَّـٰشِرَٰتِ نَشْرًا ﴿٣﴾

77:3 sumpa man sa mga [anghel na] nagkakalat [ng ulan] sa isang pagkakalat,

فَٱلْفَـٰرِقَـٰتِ فَرْقًا ﴿٤﴾

77:4 saka sa mga [anghel na] nagbubukod sa isang pagbubukod,

فَٱلْمُلْقِيَـٰتِ ذِكْرًا ﴿٥﴾

77:5 saka sa mga [anghel na] naghahatid ng isang paalaala

عُذْرًا أَوْ نُذْرًا ﴿٦﴾

77:6 bilang pagdadahilan o bilang pagbabala;

إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٌ ﴿٧﴾

77:7 tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang magaganap.

فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتْ ﴿٨﴾

77:8 Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi,

وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتْ ﴿٩﴾

77:9 kapag ang langit ay biniyak,

وَإِذَا ٱلْجِبَالُ نُسِفَتْ ﴿١٠﴾

77:10 kapag ang mga bundok ay pinalis,

وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتْ ﴿١١﴾

77:11 at kapag ang mga sugo ay tinaningan,

لِأَىِّ يَوْمٍ أُجِّلَتْ ﴿١٢﴾

77:12 para sa aling araw inantala sila?

لِيَوْمِ ٱلْفَصْلِ ﴿١٣﴾

77:13 Para sa Araw ng Pagpapasya.

وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ ﴿١٤﴾

77:14 Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagpapasya?

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿١٥﴾

77:15 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

أَلَمْ نُهْلِكِ ٱلْأَوَّلِينَ ﴿١٦﴾

77:16 Hindi ba Kami nagpahamak sa mga sinauna?

ثُمَّ نُتْبِعُهُمُ ٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿١٧﴾

77:17 Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga huli.

كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِٱلْمُجْرِمِينَ ﴿١٨﴾

77:18 Gayon ang ginagawa Namin sa mga salarin.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿١٩﴾

77:19 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

أَلَمْ نَخْلُقكُّم مِّن مَّآءٍ مَّهِينٍ ﴿٢٠﴾

77:20 Hindi ba Kami lumikha sa inyo mula sa likidong hamak,

فَجَعَلْنَـٰهُ فِى قَرَارٍ مَّكِينٍ ﴿٢١﴾

77:21 saka naglagay Kami niyon sa isang pamamalagiang matibay

إِلَىٰ قَدَرٍ مَّعْلُومٍ ﴿٢٢﴾

77:22 hanggang sa isang panahong nalalaman?

فَقَدَرْنَا فَنِعْمَ ٱلْقَـٰدِرُونَ ﴿٢٣﴾

77:23 Saka nagtakda Kami, saka kay inam ang Tagapagtakda!

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٢٤﴾

77:24 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

أَلَمْ نَجْعَلِ ٱلْأَرْضَ كِفَاتًا ﴿٢٥﴾

77:25 Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang ipunan

أَحْيَآءً وَأَمْوَٰتًا ﴿٢٦﴾

77:26 ng mga buhay at ng mga patay?

وَجَعَلْنَا فِيهَا رَوَٰسِىَ شَـٰمِخَـٰتٍ وَأَسْقَيْنَـٰكُم مَّآءً فُرَاتًا ﴿٢٧﴾

77:27 Naglagay Kami rito ng mga matatag na bundok na matatayog at nagpainom Kami sa inyo ng isang tubig tabang.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٢٨﴾

77:28 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

ٱنطَلِقُوٓا۟ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ﴿٢٩﴾

77:29 [Sasabihin]: "Humayo kayo tungo sa [pagdurusang] dati ninyong pinasisinungalingan.

ٱنطَلِقُوٓا۟ إِلَىٰ ظِلٍّ ذِى ثَلَـٰثِ شُعَبٍ ﴿٣٠﴾

77:30 Humayo kayo tungo sa aninong may tatlong sangay,

لَّا ظَلِيلٍ وَلَا يُغْنِى مِنَ ٱللَّهَبِ ﴿٣١﴾

77:31 na hindi panlilim ni makapagpapakinabang laban sa liyab."

إِنَّهَا تَرْمِى بِشَرَرٍ كَٱلْقَصْرِ ﴿٣٢﴾

77:32 Tunay na ito ay nagtatapon ng mga alipato na gaya ng palasyo.

كَأَنَّهُۥ جِمَـٰلَتٌ صُفْرٌ ﴿٣٣﴾

77:33 Para bang ang mga ito ay mga itim na kamelyong naninilaw.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٣٤﴾

77:34 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

هَـٰذَا يَوْمُ لَا يَنطِقُونَ ﴿٣٥﴾

77:35 Ito ay Araw na hindi sila bibigkas,

وَلَا يُؤْذَنُ لَهُمْ فَيَعْتَذِرُونَ ﴿٣٦﴾

77:36 at hindi magpapahintulot sa kanila para magdahi-dahilan sila.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٣٧﴾

77:37 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

هَـٰذَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ ۖ جَمَعْنَـٰكُمْ وَٱلْأَوَّلِينَ ﴿٣٨﴾

77:38 Ito ay Araw ng Pagpapasya; magtitipon Kami sa inyo at sa mga sinauna.

فَإِن كَانَ لَكُمْ كَيْدٌ فَكِيدُونِ ﴿٣٩﴾

77:39 Kaya kung nagkaroon kayo ng isang pakana ay magpakana kayo laban sa Akin.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٠﴾

77:40 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

إِنَّ ٱلْمُتَّقِينَ فِى ظِلَـٰلٍ وَعُيُونٍ ﴿٤١﴾

77:41 Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga lilim at mga bukal,

وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشْتَهُونَ ﴿٤٢﴾

77:42 at mga prutas mula sa anumang ninanasa nila.

كُلُوا۟ وَٱشْرَبُوا۟ هَنِيٓـًٔۢا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ ﴿٤٣﴾

77:43 [Sasabihin]: "Kumain kayo at uminom kayo nang kaiga-igaya dahil sa dati ninyong ginagawa."

إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ ﴿٤٤﴾

77:44 Tunay na Kami ay gayon gaganti sa mga tagagawa ng mabuti.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٥﴾

77:45 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

كُلُوا۟ وَتَمَتَّعُوا۟ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجْرِمُونَ ﴿٤٦﴾

77:46 [Sasabihin]: "Kumain kayo at magtamasa kayo nang kaunti; tunay na kayo ay mga salarin."

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٧﴾

77:47 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرْكَعُوا۟ لَا يَرْكَعُونَ ﴿٤٨﴾

77:48 Kapag sinabi sa kanila: "Yumukod kayo," hindi sila yumuyukod.

وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٩﴾

77:49 Kapighatian sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling!

فَبِأَىِّ حَدِيثٍۭ بَعْدَهُۥ يُؤْمِنُونَ ﴿٥٠﴾

77:50 Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?

Subukan ang sarili

Subukan ang sarili →

Hear Surah Al-Mursalat from all 90 reciters →