QuranQuiz bySALSABIL STUDIO
Open the appOpen app

سورة الواقعة

Surah Al-Waqi'ah sa Tagalog

96 talata · Surah 56 sa 114

🌐 Translation: Tagalog

Englishالعربية (بلا ترجمة)اردوBahasa IndonesiaBahasa MelayuTürkçeFrançaisDeutschEspañolPortuguêsItalianoNederlandsРусскийفارسیবাংলাहिन्दीSoomaaliKiswahiliHausaShqipBosanskiAzərbaycancaOʻzbekcha中文日本語한국어ภาษาไทยTiếng ViệtTagalogپښتوPolskiSvenskaNorskSuomiČeštinaRomânăБългарскиУкраїнськаעבריתதமிழ்മലയാളംతెలుగుमराठीગુજરાતીनेपालीසිංහලঅসমীয়াسنڌيدریKurdîދިވެހިئۇيغۇرچەአማርኛAfaan OromooYorùbáKinyarwandaBamanankanChiyaoTamaziɣtMëranawТоҷикӣҚазақшаТатарчаភាសាខ្មែរEnglish (Abdel Haleem)

Salin: Dar Al-Salam Center

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ

إِذَا وَقَعَتِ ٱلْوَاقِعَةُ ﴿١﴾

56:1 Kapag naganap ang Magaganap,

لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ ﴿٢﴾

56:2 para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling,

خَافِضَةٌ رَّافِعَةٌ ﴿٣﴾

56:3 na magbababa, mag-aangat.

إِذَا رُجَّتِ ٱلْأَرْضُ رَجًّا ﴿٤﴾

56:4 Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog

وَبُسَّتِ ٱلْجِبَالُ بَسًّا ﴿٥﴾

56:5 at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog,

فَكَانَتْ هَبَآءً مُّنۢبَثًّا ﴿٦﴾

56:6 kaya magiging alikabok na kumakalat.

وَكُنتُمْ أَزْوَٰجًا ثَلَـٰثَةً ﴿٧﴾

56:7 Kayo ay magiging tatlong uri.

فَأَصْحَـٰبُ ٱلْمَيْمَنَةِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلْمَيْمَنَةِ ﴿٨﴾

56:8 Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

وَأَصْحَـٰبُ ٱلْمَشْـَٔمَةِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلْمَشْـَٔمَةِ ﴿٩﴾

56:9 Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

وَٱلسَّـٰبِقُونَ ٱلسَّـٰبِقُونَ ﴿١٠﴾

56:10 Ang mga tagapanguna [sa kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso].

أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلْمُقَرَّبُونَ ﴿١١﴾

56:11 Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]

فِى جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ ﴿١٢﴾

56:12 sa mga hardin ng kaginhawahan.

ثُلَّةٌ مِّنَ ٱلْأَوَّلِينَ ﴿١٣﴾

56:13 Isang pangkat mula sa mga nauna

وَقَلِيلٌ مِّنَ ٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿١٤﴾

56:14 at kaunti mula sa mga nahuli,

عَلَىٰ سُرُرٍ مَّوْضُونَةٍ ﴿١٥﴾

56:15 sa mga kamang pinalamutian,

مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيْهَا مُتَقَـٰبِلِينَ ﴿١٦﴾

56:16 na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan.

يَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَٰنٌ مُّخَلَّدُونَ ﴿١٧﴾

56:17 May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata],

بِأَكْوَابٍ وَأَبَارِيقَ وَكَأْسٍ مِّن مَّعِينٍ ﴿١٨﴾

56:18 na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak na dumadaloy,

لَّا يُصَدَّعُونَ عَنْهَا وَلَا يُنزِفُونَ ﴿١٩﴾

56:19 na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin,

وَفَـٰكِهَةٍ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ ﴿٢٠﴾

56:20 at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila,

وَلَحْمِ طَيْرٍ مِّمَّا يَشْتَهُونَ ﴿٢١﴾

56:21 at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila,

وَحُورٌ عِينٌ ﴿٢٢﴾

56:22 at may mga dilag na magaganda ang mga mata,

كَأَمْثَـٰلِ ٱللُّؤْلُؤِ ٱلْمَكْنُونِ ﴿٢٣﴾

56:23 na gaya ng mga tulad ng mga mutyang itinatago,

جَزَآءًۢ بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ ﴿٢٤﴾

56:24 bilang ganti sa dati nilang ginagawa.

لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًا وَلَا تَأْثِيمًا ﴿٢٥﴾

56:25 Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan

إِلَّا قِيلًا سَلَـٰمًا سَلَـٰمًا ﴿٢٦﴾

56:26 maliban sa pagsasabi ng kapayapaan, kapayapaan!

وَأَصْحَـٰبُ ٱلْيَمِينِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلْيَمِينِ ﴿٢٧﴾

56:27 Ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan?

فِى سِدْرٍ مَّخْضُودٍ ﴿٢٨﴾

56:28 [Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]

وَطَلْحٍ مَّنضُودٍ ﴿٢٩﴾

56:29 at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga],

وَظِلٍّ مَّمْدُودٍ ﴿٣٠﴾

56:30 at sa lilim na inilatag,

وَمَآءٍ مَّسْكُوبٍ ﴿٣١﴾

56:31 at tubig na pinadaloy,

وَفَـٰكِهَةٍ كَثِيرَةٍ ﴿٣٢﴾

56:32 at prutas na marami,

لَّا مَقْطُوعَةٍ وَلَا مَمْنُوعَةٍ ﴿٣٣﴾

56:33 hindi pinuputol at hindi hinahadlangan,

وَفُرُشٍ مَّرْفُوعَةٍ ﴿٣٤﴾

56:34 at sa mga higaan iniangat.

إِنَّآ أَنشَأْنَـٰهُنَّ إِنشَآءً ﴿٣٥﴾

56:35 Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila sa isang pagpapaluwal,

فَجَعَلْنَـٰهُنَّ أَبْكَارًا ﴿٣٦﴾

56:36 saka gumawa Kami sa kanila na mga birhen,

عُرُبًا أَتْرَابًا ﴿٣٧﴾

56:37 na malalambing na magkakasinggulang,

لِّأَصْحَـٰبِ ٱلْيَمِينِ ﴿٣٨﴾

56:38 para sa mga kasamahan sa kanan.

ثُلَّةٌ مِّنَ ٱلْأَوَّلِينَ ﴿٣٩﴾

56:39 Isang pangkat mula sa mga nauna

وَثُلَّةٌ مِّنَ ٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿٤٠﴾

56:40 at isang pangkat mula sa mga nahuli.

وَأَصْحَـٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلشِّمَالِ ﴿٤١﴾

56:41 Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa?

فِى سَمُومٍ وَحَمِيمٍ ﴿٤٢﴾

56:42 [Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig,

وَظِلٍّ مِّن يَحْمُومٍ ﴿٤٣﴾

56:43 at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim,

لَّا بَارِدٍ وَلَا كَرِيمٍ ﴿٤٤﴾

56:44 hindi malamig at hindi marangal.

إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَبْلَ ذَٰلِكَ مُتْرَفِينَ ﴿٤٥﴾

56:45 Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa.

وَكَانُوا۟ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلْحِنثِ ٱلْعَظِيمِ ﴿٤٦﴾

56:46 Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan.

وَكَانُوا۟ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًا وَعِظَـٰمًا أَءِنَّا لَمَبْعُوثُونَ ﴿٤٧﴾

56:47 Sila dati ay nagsasabi: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin,

أَوَءَابَآؤُنَا ٱلْأَوَّلُونَ ﴿٤٨﴾

56:48 at ang mga ninuno naming sinauna?"

قُلْ إِنَّ ٱلْأَوَّلِينَ وَٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿٤٩﴾

56:49 Sabihin mo: "Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli

لَمَجْمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَـٰتِ يَوْمٍ مَّعْلُومٍ ﴿٥٠﴾

56:50 ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman."

ثُمَّ إِنَّكُمْ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلْمُكَذِّبُونَ ﴿٥١﴾

56:51 Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga tagapagpasinungaling

لَـَٔاكِلُونَ مِن شَجَرٍ مِّن زَقُّومٍ ﴿٥٢﴾

56:52 ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm,

فَمَالِـُٔونَ مِنْهَا ٱلْبُطُونَ ﴿٥٣﴾

56:53 saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan,

فَشَـٰرِبُونَ عَلَيْهِ مِنَ ٱلْحَمِيمِ ﴿٥٤﴾

56:54 saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig,

فَشَـٰرِبُونَ شُرْبَ ٱلْهِيمِ ﴿٥٥﴾

56:55 saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo!"

هَـٰذَا نُزُلُهُمْ يَوْمَ ٱلدِّينِ ﴿٥٦﴾

56:56 Ito ay pang-aliw sa kanila sa Araw ng Paggantimpala.

نَحْنُ خَلَقْنَـٰكُمْ فَلَوْلَا تُصَدِّقُونَ ﴿٥٧﴾

56:57 Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala?

أَفَرَءَيْتُم مَّا تُمْنُونَ ﴿٥٨﴾

56:58 Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]?

ءَأَنتُمْ تَخْلُقُونَهُۥٓ أَمْ نَحْنُ ٱلْخَـٰلِقُونَ ﴿٥٩﴾

56:59 Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagalikha?

نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ ٱلْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ ﴿٦٠﴾

56:60 Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan

عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمْثَـٰلَكُمْ وَنُنشِئَكُمْ فِى مَا لَا تَعْلَمُونَ ﴿٦١﴾

56:61 na magpalit Kami ng mga tulad ninyo at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman.

وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ ٱلنَّشْأَةَ ٱلْأُولَىٰ فَلَوْلَا تَذَكَّرُونَ ﴿٦٢﴾

56:62 Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala?

أَفَرَءَيْتُم مَّا تَحْرُثُونَ ﴿٦٣﴾

56:63 Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo?

ءَأَنتُمْ تَزْرَعُونَهُۥٓ أَمْ نَحْنُ ٱلزَّٰرِعُونَ ﴿٦٤﴾

56:64 Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim?

لَوْ نَشَآءُ لَجَعَلْنَـٰهُ حُطَـٰمًا فَظَلْتُمْ تَفَكَّهُونَ ﴿٦٥﴾

56:65 Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang,

إِنَّا لَمُغْرَمُونَ ﴿٦٦﴾

56:66 [na magsasabi]: "Tunay na kami ay talagang mga namultahan;

بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ ﴿٦٧﴾

56:67 bagkus kami ay mga pinagkaitan!"

أَفَرَءَيْتُمُ ٱلْمَآءَ ٱلَّذِى تَشْرَبُونَ ﴿٦٨﴾

56:68 Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo?

ءَأَنتُمْ أَنزَلْتُمُوهُ مِنَ ٱلْمُزْنِ أَمْ نَحْنُ ٱلْمُنزِلُونَ ﴿٦٩﴾

56:69 Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa?

لَوْ نَشَآءُ جَعَلْنَـٰهُ أُجَاجًا فَلَوْلَا تَشْكُرُونَ ﴿٧٠﴾

56:70 Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat?

أَفَرَءَيْتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِى تُورُونَ ﴿٧١﴾

56:71 Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo?

ءَأَنتُمْ أَنشَأْتُمْ شَجَرَتَهَآ أَمْ نَحْنُ ٱلْمُنشِـُٔونَ ﴿٧٢﴾

56:72 Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal?

نَحْنُ جَعَلْنَـٰهَا تَذْكِرَةً وَمَتَـٰعًا لِّلْمُقْوِينَ ﴿٧٣﴾

56:73 Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay.

فَسَبِّحْ بِٱسْمِ رَبِّكَ ٱلْعَظِيمِ ﴿٧٤﴾

56:74 Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

۞ فَلَآ أُقْسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ ﴿٧٥﴾

56:75 Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin,

وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٌ لَّوْ تَعْلَمُونَ عَظِيمٌ ﴿٧٦﴾

56:76 at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan.

إِنَّهُۥ لَقُرْءَانٌ كَرِيمٌ ﴿٧٧﴾

56:77 Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān na marangal,

فِى كِتَـٰبٍ مَّكْنُونٍ ﴿٧٨﴾

56:78 na nasa isang Aklat na itinatago,

لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلْمُطَهَّرُونَ ﴿٧٩﴾

56:79 na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay,

تَنزِيلٌ مِّن رَّبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ ﴿٨٠﴾

56:80 na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang.

أَفَبِهَـٰذَا ٱلْحَدِيثِ أَنتُم مُّدْهِنُونَ ﴿٨١﴾

56:81 Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala?

وَتَجْعَلُونَ رِزْقَكُمْ أَنَّكُمْ تُكَذِّبُونَ ﴿٨٢﴾

56:82 Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling.

فَلَوْلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلْحُلْقُومَ ﴿٨٣﴾

56:83 Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan

وَأَنتُمْ حِينَئِذٍ تَنظُرُونَ ﴿٨٤﴾

56:84 habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin?

وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنكُمْ وَلَـٰكِن لَّا تُبْصِرُونَ ﴿٨٥﴾

56:85 Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita.

فَلَوْلَآ إِن كُنتُمْ غَيْرَ مَدِينِينَ ﴿٨٦﴾

56:86 Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –

تَرْجِعُونَهَآ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ ﴿٨٧﴾

56:87 nagpapabalik kayo nito kung kayo ay mga tapat.

فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلْمُقَرَّبِينَ ﴿٨٨﴾

56:88 Kaya tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh],

فَرَوْحٌ وَرَيْحَانٌ وَجَنَّتُ نَعِيمٍ ﴿٨٩﴾

56:89 [ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan.

وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْيَمِينِ ﴿٩٠﴾

56:90 Tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan,

فَسَلَـٰمٌ لَّكَ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْيَمِينِ ﴿٩١﴾

56:91 [sasabihin sa kanya]: "Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan."

وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلْمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ ﴿٩٢﴾

56:92 Tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw,

فَنُزُلٌ مِّنْ حَمِيمٍ ﴿٩٣﴾

56:93 [ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig

وَتَصْلِيَةُ جَحِيمٍ ﴿٩٤﴾

56:94 at isang pagpapasok sa Impiyerno.

إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلْيَقِينِ ﴿٩٥﴾

56:95 Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan.

فَسَبِّحْ بِٱسْمِ رَبِّكَ ٱلْعَظِيمِ ﴿٩٦﴾

56:96 Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan.

Subukan ang sarili

Subukan ang sarili →

Hear Surah Al-Waqi'ah from all 90 reciters →