بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلْعَـٰدِيَـٰتِ ضَبْحًا ﴿١﴾
100:1 Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,
فَٱلْمُورِيَـٰتِ قَدْحًا ﴿٢﴾
100:2 saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],
فَٱلْمُغِيرَٰتِ صُبْحًا ﴿٣﴾
100:3 saka sa mga nanlulusob sa madaling-araw,
فَأَثَرْنَ بِهِۦ نَقْعًا ﴿٤﴾
100:4 saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,
فَوَسَطْنَ بِهِۦ جَمْعًا ﴿٥﴾
100:5 saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon;
إِنَّ ٱلْإِنسَـٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٌ ﴿٦﴾
100:6 tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.
وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٌ ﴿٧﴾
100:7 Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.
وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلْخَيْرِ لَشَدِيدٌ ﴿٨﴾
100:8 Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.
۞ أَفَلَا يَعْلَمُ إِذَا بُعْثِرَ مَا فِى ٱلْقُبُورِ ﴿٩﴾
100:9 Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod
وَحُصِّلَ مَا فِى ٱلصُّدُورِ ﴿١٠﴾
100:10 at itinanghal ang nasa mga dibdib,
إِنَّ رَبَّهُم بِهِمْ يَوْمَئِذٍ لَّخَبِيرٌۢ ﴿١١﴾
100:11 tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.