بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ
هَلْ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلْغَـٰشِيَةِ ﴿١﴾
88:1 Nakarating ba sa iyo ang sanaysay ng Tagalukob?
وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ خَـٰشِعَةٌ ﴿٢﴾
88:2 May mga mukha sa Araw na iyon na nagpapakumbaba,
عَامِلَةٌ نَّاصِبَةٌ ﴿٣﴾
88:3 na gumagawa, na nagpapakapagal,
تَصْلَىٰ نَارًا حَامِيَةً ﴿٤﴾
88:4 na masusunog sa isang apoy na napakainit,
تُسْقَىٰ مِنْ عَيْنٍ ءَانِيَةٍ ﴿٥﴾
88:5 na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init.
لَّيْسَ لَهُمْ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٍ ﴿٦﴾
88:6 Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman,
لَّا يُسْمِنُ وَلَا يُغْنِى مِن جُوعٍ ﴿٧﴾
88:7 na hindi nagpapataba at hindi nakatutugon sa gutom.
وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ نَّاعِمَةٌ ﴿٨﴾
88:8 May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan,
لِّسَعْيِهَا رَاضِيَةٌ ﴿٩﴾
88:9 na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod,
فِى جَنَّةٍ عَالِيَةٍ ﴿١٠﴾
88:10 sa isang harding mataas,
لَّا تَسْمَعُ فِيهَا لَـٰغِيَةً ﴿١١﴾
88:11 na hindi sila makaririnig doon ng isang satsat.
فِيهَا عَيْنٌ جَارِيَةٌ ﴿١٢﴾
88:12 Doon ay may bukal na dumadaloy.
فِيهَا سُرُرٌ مَّرْفُوعَةٌ ﴿١٣﴾
88:13 Doon ay may mga kamang nakaangat,
وَأَكْوَابٌ مَّوْضُوعَةٌ ﴿١٤﴾
88:14 at may mga kopang nakalagay,
وَنَمَارِقُ مَصْفُوفَةٌ ﴿١٥﴾
88:15 at may mga almohadon na nakahanay,
وَزَرَابِىُّ مَبْثُوثَةٌ ﴿١٦﴾
88:16 at mga alpombrang ikinalat.
أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلْإِبِلِ كَيْفَ خُلِقَتْ ﴿١٧﴾
88:17 Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito,
وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيْفَ رُفِعَتْ ﴿١٨﴾
88:18 at sa langit kung papaanong inangat ito,
وَإِلَى ٱلْجِبَالِ كَيْفَ نُصِبَتْ ﴿١٩﴾
88:19 at sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito,
وَإِلَى ٱلْأَرْضِ كَيْفَ سُطِحَتْ ﴿٢٠﴾
88:20 at sa lupa kung papaanong inilatag ito?
فَذَكِّرْ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٌ ﴿٢١﴾
88:21 Kaya magpaalaala ka; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang.
لَّسْتَ عَلَيْهِم بِمُصَيْطِرٍ ﴿٢٢﴾
88:22 Hindi ka sa kanila isang tagapanaig.
إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ ﴿٢٣﴾
88:23 Ngunit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya
فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلْعَذَابَ ٱلْأَكْبَرَ ﴿٢٤﴾
88:24 ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki.
إِنَّ إِلَيْنَآ إِيَابَهُمْ ﴿٢٥﴾
88:25 Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila.
ثُمَّ إِنَّ عَلَيْنَا حِسَابَهُم ﴿٢٦﴾
88:26 Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.